Writer naglabas ng galit kay Robin: Totoy Bato dinirek, sinulat, nag-edit at nasunod sa lahat
SEEN SCENE Updated July 06, 2009 12:00 AM
Seen : Ang matapang na rebelasyon ni Suzette Doctolero tungkol sa mga naganap sa taping ng Totoy Bato. Si Suzette ang headwriter ng nagwakas na TV show ni Robin Padilla at naka-post sa forum section ng GMA website ang kanyang matapang na paglalahad.
Youre putting me on the spot.
But we, the creative team, need to air our side di ba?
Kasi kami ang tinitira ng iba.
Matagal na akong di tumitingin dito, ngayon lang uli. Alam ko reaction ng tao. Ayoko sanang magsalita pero ayoko ring akalain ng lahat na pakana ng creative ito. Truth be told, TB is a a very frustrating show for me. Sa scripts namin, only weeks 1, 2, 3, 4 and week 6 ang nagawa nang buong-buo na di pinakialaman.
The rest were all Robins. Siya rin ang nagsusulat, nagdidirek, nag-e-edit, nasusunod sa lahat. We have scripts pero 10 percent lang ang sinusunod niya. 90 percent were his. So most of the time, pag nanonood ako, di ko alam ang nangyayari sa kuwento, pati scenes, di ko kilala (maski production, walang magawa dahil alam nilang magwawala si RP pag di siya sinunod). Kaya di ko alam ang ending tonight (last Friday). Hindi namin alam lahat! Si RP lang ang nakakaalam and his own crew (yes, may sarili siyang crew: may sarili siyang director na di ko alam kung saan niya napulot, cameraman etc. no, hindi sila part o empleyado ng GMA). Kaya pag grainy ang napapanood nyo, at pabago-bago ang volume, at madilim : in short, parang high school production, sila gumawa nun. Oo, TB ang first indie soap hahahaha. (Indie ganda!)
Management cannot do anything also dahil palaging nagbabanta itong magwa-walk out sa show pag di siya sinunod. I can understand them, nakontrol ni Robin ang kuwento in such a way, na pag mawala siya, di na tatayo ang show. In fairness, mautak siya.
This, I am promising to myself: I will not work with him anymore. I hope my station will not get his services anymore. Isa siyang megalomaniac actor. Gusto niya siya lang ang bida. Gusto niya siya lang ang magaling. Hence, ang isang soap, na sa tingin ko, ay maganda nung simula, pagdating sa gitna hanggang dulo, ang pangit-pangit-pangit na!
Farewell party tonight, but the whole creative team is not attending (di ko pinilit na wag umattend ang team ko ha, ayaw din nila). Ayoko lang makipag

lastikan.
Im sure makakarating ito sa kanya. I dont care. He already knows my discontentment (yun ay kung sinabi na sa kanya ng manager niya ang mga masasakit na sinabi ko).
He ruined a once promising good show. Sayang.
--
Photography is not just an art, its an expression of oneself thru lenses.
--
"I don't like SURPRISES... unless I ENGINEERED them"
--
Hit me like a rainbow daze,
echoes go around n round n round
--
"I don't like SURPRISES... unless I ENGINEERED them"
--
"I don't like SURPRISES... unless I ENGINEERED them"
--
"Nothing is impossible, only highly improbable" - Albert Einstein.
makin' commentz...
woot.
--
War isn't about who is right, it's about who is left.
[link]
Di pa ako masyadong nakapag explore so di ko pa kabisado.
--
sig
mahilig ka sa tarot? mahilig ako magpahula...
--
the things we lose have a way of coming back to us in the end...
if not always in the way we expect...
Previous Page12345...Next Page